Hinimok ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga drayber ng pampublikong transportasyon na i-report sa kanila ang mga enforcer na mangongotong sa simula ng pagpapatupad ng “No Vaccination, No Ride” policy sa Metro Manila bukas.
Ayon kay LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano, hindi nila pinapayagan na abusuhin ng mga enforcer ang nasabing polisiya.
Aniya, dapat na sabihin ng mga tsuper at operator sakaling may ganito mang sitwasyon dahil bukas ang gobyerno para rito.
Samantala, magde-deploy ng mystery passenger sa pampublikong transportasyon ang DOTr upang suriin kung nasusunod ang mga protocol hinggil sa polisiya. —sa panulat ni Airiam Sancho