Nakukulangan si Senate Committee on Public Services Chairman Grace Poe sa itinakdang CAP para sa may 65,000 unit para sa Transport Network Vehicle Service o TNVS.
Pero ayon kay Poe, dapat nang payagang marehistro ang mga naturang unit upang maresolba na ang mga problema sa kalsada tulad ng kolorum at saka na lamang pag-usapang muli ang mga dapat pang idagdag dito.
Kasunod nito, pinayuhan aniya ng LTFRB ang publiko na huwag na munang bumili ng sasakyan para lamang sumali sa TNVS habang inaayos pa ang mga bibigyan ng prangkisa at permit.
Posted by: Robert Eugenio