Humingi na ng paumanhin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa pagka-delay ng mga bus na nagdulot ng mahabang pila ng mga pasahero sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Nagpatawag agad ng emergency meeting si LTFRB Chairman Martin Delgra matapos ang napaulat na insidente sa LITEX hanggang Sandiganbayan kahapon ng umaga kaya’t maraming pasahero ang walang nasakyan.
Batay sa imbestigasyon ng board, wala pa sa kalahati ng 510 awtorisadong mga bus ang pinabiyahe ng mga operator sa route 5 o Angat-Quezon Avenue via Commonwealth.
Papanagutin naman ng ahensya ang United Mega Manila Bus Consortium sa aberya.