Inalis na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Moratorium sa pagpasok ng mga bagong ride-hailing Transport Network Companies (TNCS).
Sa Memorandum Circular No. 2021-066 na inilabas nitong Nobyembre 12, sinabi ng ang memorandum circular noong Agosto 10, 2018 na nagsuspinde sa pagtanggap ng mga bagong aplikasyon para sa akreditasyon ng TNC ay ‘tinanggal’ upang mabigyan ng pagkakataong mag-apply ang mga bagong aplikante.
Kaugnay nito, sinuspinde ng LTFRB ang pagtanggap ng mga aplikasyon ng TNC noong agosto 2018 matapos makatanggap ng malaking bilang ng mga aplikasyon.
Samantala, ang mga interesadong aplikante ng TNC ay kailangang magbayad ng accreditation fee na P30,000 bago maghain ng aplikasyon gayundin sa pagrerenew ng akreditasyon.—sa panulat ni Airiam Sancho