Inalis na ng LTFRB ang suspensyon sa Uber transport incorporated.
Ito ay matapos magbayad ng Uber ng 190 Million Pesos bilang multa sa paglabag sa panuntunan ng LTFRB na una nang nag suspindi sa kumpanya.
Dahil dito alas 5:00 ng hapon ay nagbalik na ang operasyon ng Uber.
Una nang inihayag ng LTFRB na pag nabayaran ang multa ay uubra na nilang alisin ang suspensyon sa Uber.
By: Judith Larino
SMW: RPE