Inamin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o L.T.F.R.B. Na nawawala ang accreditation papers ng Transport Network Companies na Uber at Grab.
Ayon kay L.T.F.R.B. Board member at Spokesperson, Atty. Aileen lizada, hindi nila mahanap sa kanilang tanggapan ang mga nasabing dokumento.
Dapat anya ay nasa kamay ang accreditation papers ni dating Executive Director Roberto Cabrera subalit inihayag ng kanyang staff na wala ang mga folder.
Nakatakdang mag-convene ang technical working group ng L.T.F.R.B. na tatalakay sa ilang issue na kinakaharap ng mga T.N.C. gaya ng accreditation at naka-tenggang applications, accountability at pricing scheme.
By: Drew Nacino
LTFRB inaming nawawala ang mga accreditation papers ng mga TNC was last modified: July 22nd, 2017 by DWIZ 882