Isinusulong ng LTFRB ang mahigpit na ugnayan sa CHED para sa ligtas na field trip ng mga estudyante.
Kasunod na rin ito ng aksidente ng isang Panda Coach Bus sa Tanay, Rizal sakay ang mga estudyante ng Bestlink Colleges sa Quezon City at kung saan nasawi ang 15 katao.
Ayon kay LTRFB board member Atty Aileen Lizada importanteng makipag ugnayan sa kanila ang CHED hindi lamang sa lokal na pamahalaan at iba pang ahensya kaugnay sa field trips para masuri nila ang mga bus na gagamitin dito at mabigyan ng certification ang mga driver nito.
Dapat din aniyang matiyak na matagal na sa serbisyo ang bus driver na itatalaga sa mga field trip.
By : Judith Larino