Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na malapit nang ipatupad ang libreng sakay at fuel subsidy sa mga pampublikong transportasyon.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, may mga tinatapos na lamang na detalye ang ahensya at Department of Budget and Management kung saan aabot sa P1.7 billion sa service contracting program at P2.5 billion naman para sa fuel subsidy.
Dagdag pa ni Delgra, ito ang nakikitang solusyong ng LTFRB at Department of Transportation (DOT) sa gitna ng walang tigil na pagtaas ng produktong petrolyo.
Nabatid na sa ilalim ng fuel subsidy, hindi lang ang pampasaherong jeep ang masasakop kundi pati na rin bus, taxi, at UV express, habang aabot sa 6,500 pesos ang one-time fuel subsidy na matatanggap ng kada-unit ng pampublikong sasaksyan
Target ng ahensya na simulan na ang fuel subsidy at service contracting program sa sandaling ibaba na ang pondo para dito. – sa panulat ni Mara Valle