Maglalabas na ng special permit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Biyernes, Mayo 2, sa public utility vehicles (PUV) na papayagan magbalik operasyon sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra, ang naturang guidelines na mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) ay kailangan masunod para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Tutukan din umano ang mga bus at modified o modernized jeepneys dahil sa kakayahan nitong magsakay ng maraming pasahero ngunit kailang maobserba ang social distancing measures.
Samantala nananatili pa rin umanong suspendido ang operasyon ng mga motorcycle taxis.