Inaasahang magkakaroon muli ng exodus ng pasahero pauwi ng probinsya sa ikatlong linggo ng Nobyembre.
Walang pasok sa paaralan at maging sa mga tanggapan mula sa November 17 hanggang 20 dahil sa APEC Summit.
Dahil dito, inihayag ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board na magbibigay sila ng special permit sa mga bus na gustong lumabas ng kanilang regular na ruta at magbiyaheng probinsya.
Hinikayat ng LTFRB ang mga bus na may planong mag biyaheng probinsya na mag-apply na ng kanilang special permit upang maiwasang mahuli.
November 3, nagtapos na ang bisa ng special permit na ibinigay ng LTFRB sa mga nagbiyaheng probinsya nitong Undas.
By Len Aguirre