Planong humingi ng tulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga estudyante sa kolehiyo para sa kanilang operasyon kontra “colorum” o walang prangkisang mga Public Utility Vehicle.
Ito’y dahil sa kakulangan ng mga enforcer ng L.T.F.R.B. sa Metro Manila.
Ayon kay L.T.F.R.B. Board member, Atty. Aileen Lizada, nasa 30 lamang ang kanilang enforcer at hindi kakayanin ang operasyon kontra colurum P.U.V.
Posible anyang makatuwang nila sa bakasyon ang mga college student sa bakasyon sa paghuli sa mga colorum lalo’t wala namang klase.
Simula Agosto 2017, mahigit 80 na ang nahuli ng L.T.F.R.B. na colorum P.U.V. partikular ang mga taxi sa airport pa lamang.