Makikipagdayalogo ang L.T.F.R.B o Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Transport Network Companies gaya ng Grab at Uber.
Ito’y para pag usapan ang mga panukala na naglalayong siguruhin ang kaligtasan ng mga tsuper ng TNC.
Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, ilan sa mga panukala ay ang pagpapadala ng litrato ng rider sa TNC’S matapos ang booking upang aniya matakot na magkaroon ng ibang motibo ang rider dahil nasa sistema na ng TNC ang kanilang litrato .
Isa pang panukala ay ang pagbibigay ng global positioning system ng driver sa pamilya para matunton ang lokasyon nito.
Ang hakbang na ito ay ginawa matapos paslangin ng mga nagpanggap na pasahero ang Grab driver na si Gerardo Amolato Maquidato jr.