Maaari na agad desisyunan ng Land Transportation Office Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtaas o pagbaba ng presyo ng pamasahe sa jeep, bus, taxi at UV express ng hindi dumadaan sa pagdinig.
Batay sa memorandum circular no. 2019-035 ng LTFRB, ibabatay na lamang ang fare adjustment sa paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo na kailangan i-review kada anim (6) na buwan.
Sa formula, kailangan alamin ang porsyento ng itinaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa loob ng anim (6) na buwan.
Titingnan din ang 35% na gastos ng isang PUV sa produktong petrolyo.
Sa kasalukuyang pasahe na P9.00 base fare at P1.40 dagdag sa mga susunod na kilometro, ang resulta ay P9.315 sa base fare at P1.449 sa susunod na kilometro.
Nasa LTFRB naman ang pasya kung paano ira-round off ang halaga.
Nakatakdang simulan ngayong Martes ng LTFRB ang pagmomonitor sa galaw ng presyo ng produktong petrolyo.