Naglunsad ng Facebook page ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para tumugon sa mga katanungan hinggil sa Public Utility Vehicles Modernization Program (PUVMP).
Ayon sa LTFRB, sasagutin ng Facebook page na LTFRB PUVMP Project Management Office ang lahat ng tanong mula sa mga PUV drivers at operators.
Sinabi ng LTFRB na layon ng hakbangin nilang malimitahan ang pagtungo ng drivers at operators sa kanilang tanggapan para maiwasan ang maraming tao at maasunod na rin ang physical distancing measures.
Kaugnay nito, nagtalagan ng staff ang PUVMP para patuloy na i-monitor ang mga e-mails at mensahe para kaagad makatugon.
Pinayuhan ng LTFRB ang publiko na isulat ang pangalan ng transport service entity/operator, pangalan ng authorized representative, contact number, ruta at number of authorized units at number of operational units para sa existing operators.