Nanawagan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa mga driver ng transport network companies gaya ng Grab at Uber na mag – online.
Ayon kay LTFRB Spkokesperson Atty. Aileen Lizada, kailangan na kailangan ng mga pasaheo ang masasakyan gaya ng Uber at Grab ngayong holiday season.
Pakiusap ni Lizada, makipagtulungan sa ahensya ngayong kinakailangan ang mas maraming suplay ng sasakyan.
Samantala, paiigtingin naman ng LTFRB ang kanilang kampanya laban sa mga isnaberong at nangongontratang taxi drivers.
Babala ng LTFRB, ang mga taxi driver na mapatutunayang tumatangging magsakay ng pasahero ay pagmumultahin ng P5,000 sa unang paglabag at P10,000 sa ikalawang paglabag.
Bukod sa P15,000 multa, kakanselahin din ang prangkisa ng mga tsuper na lalabag sa ikatlong pagkakataon.