Kinakailangan nang maglagay ng global positioning system o GPS device sa lahat ng mga public utility buses simula sa Setyembre.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ito ay upang ma-track down ng mga otoridad ang lokasyon ng bus at ang bilis nito.
Sa pinakabagong memorandum ng LTFRB, ipinag-utos nito ang paglalagay ng GPS device simula September 1, 2015 hanggang January 31, 2016 sa lahat ng mga bus sa Metro Manila gayundin ang mga provincial buses na pumapasok dito.
Simula naman April 1 hanggang July 31, 2016 dapat ay makapagpalagay na at makapagparehistro na ang mga bus na bumabiyahe sa mga probinsiya.
Mahaharap naman sa multang hanggang P5,000 ang mga operator na mabibigong mag instila ng GPS device sa itinakdang panahon.
By Rianne Briones