Muling binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mga jeepney driver na sasama sa malawakang transport strike bukas.
Ito ay dahil maaaring ikansela ng ahensya ang prangkisa ng mga lalahok sa strike.
Paliwanag ni LTFRB Chairman Martin Delgra, isang paglabag ang pagsasagawa ng transport strike sa memorandum circular 2011-004.
Nakapaloob sa nasabing memorandum na kapag ang kahit anong protesta ay nakapagpahirap sa mga pasahero na makakuha ng masasakyan, maaaring makansela o bawiin ang prangkisa ng mga lumahok.
Matatandaang kinumpirma ng ilang mga transport groups katulad ng ACTO at PISTON na dadalo sila sa isasagawang nationwide transport strike.