Muling pag-aaralan at ire-review ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang fare setting scheme ng Grab Philippines.
Ito ay matapos pagmultahin ng Philippine Competition Commission (PCC) ng P23M.
Ayon kay LTFRB Board Member Ronaldo Corpus, pinatawan ng PCC ang Grab dahil sa mga kakulangan nito sa kanilang operasyon.
Gagawin aniya ang pagre-review para makita kung mayroong nagawang violation ang grab philippines sa pagco-compute ng presyo ng pamasahe ng kanilang mga mananakay.
Magugunitang nagkaroon ng pulong ang 2 ahensya hinggil sa naturang isyu noong Lunes, Nobyembre 25.