Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pinahintulutan na nito ang pagbubukas ng anim na ruta para sa Public Utility Buses o mga PUB.
Ayon sa LTFRB, kabilang sa mga aprubadong ruta ay ang:
- Antipolo – Mckinley Hill Via Fvr Road, C-5
- Antipolo – Mckinley Hill Via C-6
- Mckinley Hill – Southwoods Mall Transport Terminal
- Ayala – Southwoods Mall Transport Terminal
- Alabang (Sst) – Naic Via Governor’s Drive
- Cubao – Dasmariñas Via Governor’s Drive
Umaasa naman si LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na makapagbibigay kaginhawaan sa mga pasahero ang mga panibagong ruta. – sa panulat ni Hannah Oledan