Muling kinalampag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga taxi operators at drivers kaugnay sa kampanya laban sa mga isnaberong taxi driver ngayong kapaskuhan.
Sinabi sa DWIZ ni LTFRB Chairman Winston ginez na mayroong parusang naghihintay sa mga mapapatunayang namimili ng pasahero lalo na kapag peak hours at umuulan.
Multang P5,000 sa unang offense , P10,000 sa ikalawang offense at pagkansela ng prangkisa sa operator kapag napatunayang pasaway.
Hinimok din ni Ginez ang publiko na ireport sa 24/7 hotline na 1342 ang kanilang reklamo para agad na maaksiyonan ang mga namimiling taxi drivers.
“Pinapaalalahanan po natin ang ating taxi drivers at mananakay, na kung sakaling maransan nila ang matinding trapiko, bukas po ang aming 24/7 landline na 1342 para po malaman namin at maparushan namin ang isnaberong taxi driver,” paliwanag ni Ginez.
By: Aileen Taliping (patrol 23)