Nanganganib makansela ang prangkisa ng UV Express vans na magtataas ng singil sa pasahe nang hindi dumadaan sa proseso.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, Spokesperson ng LTFRB, kailangang maghain muna ng petisyon sa kanilang tanggapan ang anumang sektor sa pampublikong sasakyan para maisalang ito sa deliberasyon at public hearing bago madesisyunan.
Maliban sa pagkansela ng prangkisa, may katumbas ring multang P5,000 ang anumang paglabag sa pagtatakda ng pasahe.
Una rito, nakatanggap ng sumbong ang LTFRB hinggil sa di umano’y anunsyo ng mga UV Express na may biyaheng Meycauayan Bulacan hanggang Quezon City na magtataas sila ng pasahe simula sa Enero 15 dahil sa pagtaas ng presyo ng langis, ng bilihin at upa sa kanilang terminal.
—-