Nanganganib tanggalan ng accreditation ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga application based transport services tulad ng Grab kung magpapatuloy ang operasyon ng kanilang ‘grab bike’.
Babala ito ng LTFRB matapos na mismong si LTFRB Chair Winston Ginez ang ma-i-book ng ‘grab bike’.
Binigyang diin ni LTFRB Board Member Atty. Ariel Inton na nananatili ang cease and desist order laban sa operasyon ng ‘grab bike’ dahil hindi ito kasama sa mga transportasyong nabigyan ng accreditation ng LTFRB.
“Pagna-disaccredit po sila lahat po ng kanilang mga provider lalabas na kolorum at lahat po yun i-impound po, ang amin nga pong direktiba sa Grab ay mag-cease and desist order, hindi lang po grab bike pati grab jeep, wala pa nga pong department order para diyan.” Pahayag ni Inton.
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas