Naglabas ng Board Resolution ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kaugnay sa 24/7 libreng sakay sa EDSA Bus Carousel na programa ng pamahalaan.
Ito’y matapos ang naging direktiba ni Transportation Secretary Jaime Bautista, na gawing pormal ang pagpapatupad ng programa sa mga operator ng EDSA busway na nasa ilalim din ng Service Contracting Program.
Ayon kay Engineer Riza Paches, Officer-In-Charge ng LTFRB, maraming Pilipino ang matutulungan ng naturang programa partikular na ang mga nagtatrabaho sa mga BPO o call center company, at mga empleyado ng mall na pinalawig din ang oras ng operasyon.
Matatandaangnagdagdag ng 1.4 billion pesos na pondo ang Department of Budget and Managament (DBM), upang i-extend ang libreng sakay sa EDSA busway na tatagal na lamang hanggang sa December 31, 2022.