Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa mga eskuwelahan kaugnay sa mga gagamiting bus sa kanilang mga isasagawang field trips.
Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, ang mga dapat na ginagamit lamang sa mga field trip ay mga accredited na tourist bus company.
Dagdag pa ni Lizada, may mga puwede ring gamitin na transport shuttles o tourist van kung saan maaari silang magpunta saan mang bahagi ng Pilipinas.
Bukod dito, pinaalala rin ni Lizada na dapat i-check ng mga school administrator ang certificate of franchise, insurance at iba pang kinakailangang dokumento ng kanilang gagamiting service para sa kanilang mga field trip.
—-