Nakatakdang maglabas ng Show Cause Order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa provincial bus operators dahil sa kaguluhang ibinibintang sa pagpapatupad ng Window Hours Scheme.
Ayon kay LTFRB Executive Director Tina Cassion, nagda-draft na ng Show Cause Order ang kanilang legal na posibleng ilabas sa nasabing operator ngayong araw dahil hindi dumaan ang mga ito sa kanilang ruta kahapon na nakaapekto sa libu-libong stranded commuters.
Aniya, ang problema sa mga bus operator ay ginawa nitong hostage ang kapakanan ng mga mananakay sa kagustuhan na payagan sila sa mga pribadong terminal sa Metro Manila sa gastos ng mga pasahero.
Gayunman, nilinaw ng LTFRB na nakasaad sa kasunduan ng mga operator at MMDA na lampas sa window period namaaaring gumamit ng mga piling Integrated Terminal Exchange (ITX) areas ang mga provincial bus.