Nakatakdang magpalabas ng special permit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility bus (PUB).
Ito’y para payagang makabiyahe ang mga ito sa labas ng kanilang ruta bilang tugon na rin sa dumaraming bilang ng mga pasaherong pauwi sa iba’t ibang lalawigan.
Kabilang sa mga kailangang gawin ng mga nasa sektor ng transportasyon para makakuha ng special permit ay mga sumusunod:
- Kailangang magpadala ng operator ng e-mail sa LTFRB kasama ang specifications ng mga unit at kung saan bibiyahe ang mga ito.
- Kailangang lumabas na valid ang unit para ito’y makatanggap reply mula sa LTFRB at ito na ang maaaring gamitin bilang special permit-to-operate.
- Epektibo ang special permit hanggang sa araw lang ng Martes, March 17.