Nakatakdang makipagdayalogo ang LTFRB sa mga car dealer at maging sa kinatawan ng mga bangko sa susunod na linggo.
Ito ay upang matalakay ang patungkol sa registration ng mga driver sa TNVS o Transport Network Vehicle Services.
Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, nagpahayag ng pagkabahala ang mga operator ng TNVS dahil inoobliga sila ng Transport Network Companies na magpakita ng pruweba ng kanilang official receipt at certificate of registration.
Kasabay nito, kinumpirma ni Lizada na magkakaroon sila ng technical working group meeting kasama ang Uber at Grab sa susunod na linggo.
By: Meann Tanbio
SMW: RPE