Nakatakdang pulungin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga Transportation Network Companies (TNC) ngayong linggo.
Ito ay para pag-usapan ang reklamong natatanggap ng ahensya mula sa mga pasahero na umaaray sa mataas na pamasahe.
Ayon sa LTFRB, marami nang nagrereklamo tungkol sa mahal na pamasahe lalo na nang pumasok ang buwan ng Disyembre.
Sinabi ng LTFRB na ang standard base fare ay 40 pesos at 10 hanggang 15 pesos naman ang dagdag na singil sa bawat kilometro at 2 pesos sa bawat minuto.
Ang surge cap umano ay katumbas ng doble ng pasahe depende sa daloy ng trapiko.