Nanawagan sa publiko ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ireport sa kanilang tanggapan ang pampublikong sasakyan na naniningil ng sobrang pasahe sa kanilang mga pasahero.
Ginawa ni LTFRB Board Member Atty Mercy Jane Paras-Leynes ang panawagan kasunod na rin ng ulat na mayroong mga UV Express ang sobra-sobra kung maningil ng bayad sa mga mananakay.
Ani Leynes na maaaring ipaalam sa kanilang tanggapan o kaya sa kanilang facebook page ang anumang impormasyon ukol sa ganitong mga reklamo.
Pwede rin aniya ito itawag o idulog sa LTFRB hotline na 1342 para agad na maaksyunan. - sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)