Sinibak sa pwesto ang 44 na personnel ng LTFRB dahil sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa korapsyon.
Nabatid mula kay LTFRB Chairman Martin Delgra III na kabilang sa sinibak si NCR Regional Director Rodolfo Jaucian at 4 nitong staff dahil sa pag-i-issue ng prangkisa, sa kabila ng umiiral na LTFRB moratorium mula pa noong 2003.
Kaugnay nito, sinabi ni LTFRB Board Member Aileen Lizada na natuklasan nilang 2 ang database sa NCR.
Ang isa ay ghost database kung saan matatagpuan ang mga expired na prangkisa.
Posibleng maharap sina Jaucian at 4 nitong staff sa multiple at administrative cases tulad ng graft, paglabag sa code of ethical standards, grave misconduct at abuse of authority.
By: Meann Tanbio