Pinabulaanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na wala silang kinalaman sa sinasabing kasunduan sa pagitan ng mga provincial buses operators ng Metro Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa ipatutupad na window hours sa Metro Manila.
Ito ang ginawang paglilinaw ng LTFRB sa pahayag ng ilang provincial bus operators na sila ay mag-ooperate mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga lamang batay sa polisiya ng MMDA.
Ayon sa LTFRB, ang Window Scheme Agreement ng mga bus companies sa pagitan ng MMDA ay hindi pakikialaman ng LTFRB at nirerespeto nila ito.
Niliwanag din ng LTFRB na ang naturang Window Hours Scheme ng MMDA ay hindi nangangahulugan na ang mga provincial buses ay mag-ooperate lamang sa gabi at ang window hours ay para lamang sa mga pribadong terminal ng mga provincial bus operators sa Metro Manila.