Pabor ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa petisyon ng mga operator na taasan ang pamasahe sa public utility buses.
Bagama’t ayon kay LTFRB Chairman Cheloy Garafil, ikokonsidera pa rin ang patnubay mula sa National Economic and Development Authority (NEDA) upang tiyakin ang pagkakabalanse ng kapakanan ng mga driver at operator at ng mga commuter.
Maaalala na isinagawa ang unang hearing kaugnay sa naturang petisyon noong Hulyo a-28.
Mababatid na humihiling ang ilang operators ng 20 pesos minimum fare para sa unang limang kilometro sa air-conditioned buses mula sa 13 pesos, at karagdagang 3 pesos at 40 centavos sa kada kilometro pagkalampas ng limang kilometro.
Habang nananawagan para sa pagtataas ng minimum fare ang mga ordinary buses mula sa 11 pesos sa 15 pesos, na mayroong 2 pesos 70 centavos charge sa bawat karagdagang kilometro.