Binigyan na lamang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mga provincial bus ng hanggang Enero ng susunod na taon upang makapagkabit ng Global Positioning System o GPS.
Layon nito na magtakda ng 90 kilometer per hour na speed limit at maiwasan ang aksidente.
Sa oras na umabot o lumampas ang speedometer sa 90 kilometer per hour speed limit, otomatikong tutunog ang alarm ng GPS bilang senyales na dapat bagalan ng driver ang takbo ng bus.
Ilang kumpanya tulad ng Victory Liner ang naglagay na ng GPS sa tinatayang pitundaang bus unit simula noong 2012.
Nilinaw naman ng LTFRB na hindi dapat magtaas ng pasahe ang mga bus firm dahil ang paglalagay ng GPS ay obligasyon ng mga kumpanya para sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.
By Drew Nacino