Patuloy na nagbibigay ng mga special permit sa mga bus ang Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) bilang paghahanda sa Semana Santa.
Inaasahan kasi na mas dadagsa pa ang bilang ng mga pasahero na bibiyahe sa araw ng Semana Santa.
Dahil dito, hinikayat ng LTFRB-NCR Dir. Atty. Zona Russet Tamayo ang mga bus drivers na maglaan at magsumite ng kaukulang dokumento para mabigyan ng special permit.
Sinabi ni Tamayo na patuloy na maghihigpit at mag-iinspeksiyon ang kanilang ahensya sa mga bus na bibiyahe sa mga probinsya sa mahal na araw upang maging ligtas ang biyahe ng mga pasahero. — sa panulat ni Angelica Doctolero