Pinagpapaliwanag ni Congressman Jonathan dela Cruz ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), hinggil sa 40 bus na idinagdag sa Edsa upang sumaklolo sa mga mananakay ng Metro rail Transit (MRT).
Sinabi ni dela Cruz na maraming bagay na dapat ipaliwanag ang LTFRB, kabilang na ang kung gaano katagal mananatili ang mga bus sa lansangan, at kung ano ang pabor na ibinigay sa mga operator ng naturang mga bus, para mag “boluntaryo.”
Posible aniyang maraming ipinangako sa mga bus operator dahil maliban sa mas mura ang pasahe sa mga bus, limitado lamang din ang mga bus stop na maaring hintuan ng mga ito.
“Matagal na ninyong ipinapangako ang pagsasaayos ng MRT, may limang taon na kayo ‘yan ang sinasabi niyo palagi na every year na merong ganitong diskusyon eh sinasabi niyo inaayos niyo ang MRT, hindi nga naaayos sabi namin eh, ang panakip butas ninyo ay itong 40 na buses, ang sabi nila hindi naman po mga bagong prangkisa kasi nagvo-volunteer itong mga bus companies para lang tumulong maibsan ang problema n gating mga mananakay sa MRT, ang sabi natin sa kanila ay ganito, o nagvo-volunteer, anong mga terms and conditions ng volunteerism nilang ‘yan.” Pahayag ng kongresista.
By Katrina Valle | Sapol Ni Jarius Bondoc