Pinaiimbestigahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga EDSA Bus Carousel matapos mapaulat na naniningil ng pamasahe sa mga pasahero.
Ito’y sa kabila nang inanunsyo ng Department of Transportation DOTr na libre ang sakay 24/7 ngayong Disyembre.
Hinikayat ng LTFRB na ipagbigay alam agad sa mga Traffic inspectors at Traffic enforcers ng IACT para matigil ang paniningil sa carousel bus.
Samantala, patuloy namang naka-antabay ang LTFRB at Inter-Agency Council for Traffic sa mga bus stops ng EDSA para sa reklamo ng ilang mga pasahero na matagal ang interval na dumating ang bus na dumarating. – sa panunulat ni Jenn Patrolla