Pinaplano na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang pagdedeploy ng mas maraming Public Utility Vehicles (PUVs) sa North Luzon Express Terminal (NLET).
Ito ay para magbigay ng libreng sakay sa mga commuters mula sa Bocaue sa Bulacan patungong Metro Manila.
Ayon kay LTFRB executive director Maria Kristina Cassion, idadagdag ang bilang ng PUVs sa mga terminal patungong Araneta Center sa Cubao at Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Sa ulat, nasa 34 ang bilang PUVs kada ruta at 14 mula sa DAU Terminal sa Mabalacat sa Pampanga.
Ang programa ay nasa ilalim ng service contracting program ng DoTr at LTRFB, na layong matulungan ang mga PUV operators at drivers na makaahon sa pandemya at taas-presyo sa langis.