Nakikipag-ugnayan na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno para sa pagproseso ng fuel subsidy ng mga driver ng Public Utility Vehicle (PUV).
Ayon kay LTFRB-NCR Regional Director Attorney Zona Tamayo, humingi na sila ng certification sa Department of Energy (DOE) hinggil sa presyuhan ng krudo.
Dagdag ng direktor na ang pantawid pasada card na una na nilang naipamahagi sa mga driver at operator ang muling gagamitin para ipasok ang P6,500 na subsidiya sa kada unit.
Samantala, ihinayag rin ni tamayo na nasa 377K na mga drayber ng jeep, uv express, taxi, tricycle at iba pang ride hailing at delivery services sa buong bansa ang kwalipikadong makatanggap ng fuel subsidy. – sa panulat ni Mara Valle