Pinasusumite na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga PUV operator ng aplikasyon ang mga hindi pa kumukuha ng fare matrix sa Regional Franchising and Regulatory Office (RFRO).
Binigyang diin ng ahensya na hindi maaaring maningil ang mga driver ng mas mataas na pamasahe kung wala silang fare matrix na nakapaskil sa kanilang sasakyan mula sa LTFRB.
Sinabi pa ng ahensya na mapapatawan ng karampatang parusa ang mga driver na hindi sumusunod rito.
Samantala, nagpaalala naman ang ahensya sa mga pasahero na huwag magbayad ng mas mataas na pamasahe kung walang fare matrix ang sinasakyang PUV.
Maaari namang magsumbong sa official facebook page at facebook messenger ng LTFRB o ‘di kaya’y tumawag sa LTFRB hotline 1342.