(Updated)
Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa mga kumpaniya ng bus.
Ito’y sa sandaling mapatunayang nagpapagamit ang mga ito sa mga kandidato para maghakot ng mga botante sa araw ng halalan.
Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez, tanging ang mga nag-request lamang para sa special permit ang maaaring makabiyahe sa halalan.
Giit pa ni Ginez, may karampatang parusa ang alinmang kumpanya ng bus na mapatutunayang lumabag sa kanilang panuntunan.
Bahagi ng pahayag ni LTFRB Chairman Winston Ginez
Special permits
Nakatakdang mag-isyu ng special permit ang Land Transportation Franchising and Regualtory Board o LTFRB sa mga bus na gagamitin ng mga kandidato para sa kanilang miting de avance at iba pang sorties bago ang eleksyon.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, bubuksan nila ang pagbibigay ng special permit mula Mayo 7 hanggang sa mismong araw ng eleksyon.
Gayunman, nilinaw ni Ginez na ngayon pa lamang ay puede namang humingi ng special permit ang isang inupahang bus para makabiyahe sa labas ng kanyang ruta.
Bahagi ng pahayag ni LTFRB Chairman Winston Ginez
By Mariboy Ysibido | Len Aguirre | Balitang Todong Lakas