Kinundena ng LTFRB ang pambobomba sa isang pampasaherong bus sa Parang, Maguindanao kung saan malubhang nasugatan ang apat katao.
Dahil dito hiningi ng LTFRB sa mga otoridad sa Parang ang mga detalye sa nasabing insidente partikular ang mga suspek na nasa likod ng nasabing inasidente.
Tuluy-tuloy naman ang pagkalap ng impormasyon ng mga otoridad sa naturang insidente kung saan patungong Pagadian City ang rural tour bus sakay ang 23 pasahero nang biglang sumabog ang isang improvised explosive device sa likod nito.