Iginiit ng mga transport group leaders na hindi nakikinig ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa hinaing ng mga mga operator at drayber.
Ayon kay PISTON nationwide President Mody Florando, sarado ang LTFRB sa kahilingan ng mga drayber at operator na tutol sa usapin ng modenization program.
Tahasan aniya silang tatanggalin ng indibwal ng prangkisa para pahawakan naman sa malalaking korporasyon at malalaking negosyante.
Sinabi naman ni ACTO President Efren De Luna na hindi totoo ang sinasabi ni LTFRB Chairperson Martin Delgra dahil sarado ang opisina nito sa kanila.