Sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang isang unit ng Jasper Jean Bus
Ito’y makaraang masangkot sa pagkaka-aksidente ng isa nitong pasahero na nahulog habang bumabababa sa Kalayaan Avenue sa EDSA
30 araw epektibo ang nasabing suspensyon kabilang na sa tsuper at kundoktor ng bus dahil sa pagbaba ng pasahero sa isang No Loading at Unloading Area
Magugunitang naging viral sa Social Media ang video ng nasabing insidente kung saan, hindi tinulungan sa halip tiningnan lamang ng kundoktor ang naaksidenteng pasahero
By: Jaymark Dagala