Sisiyasatin ng Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) ang ilan sa mga aksidente sa daan na kinasasangkutan ng mga trak.
Ayon kay LTFRB Board Member Ronaldo Corpus, kinukuha na nila ang detalye ng mga naturang aksidente.
Partikular na aniya ay ang mga mayroong mataas na bilang ng pagkamatay.
Inilabas ang pahayag matapos ang naganap na magkasunod na aksidente sa Rizal at Cavite, kahapon, Martes, ika-17 ng Disyembre.
Dagdag pa ni Corpus, walang prangkisa ang ilang trak sa kanila kaya nahihirapan silang hawakan ang mga ito.
Sa ngayon ay makikipagtulungan ang LTFRB at Land Transportation Office (LTO) para sa gagawing pagsisiyasat.