Sinagot ng LTFRB ang pahayag ni Senador Grace Poe na mabigyan pa ng isang pagkakataon ang transport network vehicle services (TNVS) na bigong makakumpleto ng mga kinakailangang dokumento.
Ayon sa LTFRB, sumusunod lamang sila sa mga panuntunan na naaayon sa batas para na rin sa ligtas, maaasahan at komportableng public transport.
Nagbigay na anila sila ng maraming konsiderasyon para mapadali at mapagaan ang proseso tulad ng online registration para sa mga aplikante at one stop shop processing center.
Sa mga hatchback unit naman, maaari pa ring kumuha ng pasahero subalit dapat rehistrado ito, mag-ooperate sa loob lamang ng Metro Manila at maniningil ng tamang pamasahe.
Tiniyak naman ng pamunuan ng LTFRB na pakikinggan nila ang mga hinaing ng mga TNVS operator at igagalang ang mga kilos protesta.