Humihingi ng pang-unawa sa publiko si Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra kaugnay sa bahagyang babagal na operasyon sa tanggapan nito sa NCR o National Capital Region.
Kasunod ito nang pagkakasibak sa dalawang opisyal partikular sa hepe ng LTFRB-NCR dahil sa napatunayang anomalya sa tanggapan.
Ayon kay Delgra, may mga itinalaga na siyang tao para pansamantalang mangasiwa muna ng operasyon sa kanilang opisina sa NCR.
Bahagi ng pahayag ni LTFRB Chairman Martin Delgra
Samantala, pag-aaralan pa ng LTFRB ang magiging hakbang kapag nagkaroon ng problema sa data base ng NCR at Central Office.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, binubusisi na nila ngayon ang mga nasabing data base ng libu-libong prangkisa.
Bahagi ng pahayag ni LTFRB Chairman Martin Delgra
By Judith Larino | Ratsada Balita