Nagsimula nang tumanggap ng application ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga bus na nais makakuha ng special permit ngayong Holy Week.
Ipinabatid ng LTFRB na hanggang March 13 ay tatanggap sila ng application para sa mga bus na nais makakuha ng special permit para makapagbiyahe sa labas ng kanilang ruta sa darating na Mahal na Araw.
Ang nasabing application ay maaaring ihain sa window 9 ng LTFRB central office sa Quezon City, kasama ang mga requirements tulad ng verified petition, latest official receipt / certificate of registration (OR/CR), franchise verification, updated personal passenger insurance at address ng terminal.
Ang LTFRB ay naglalabas ng special permits sa mga pampasaherong bus kapag holiday season upang matiyak na ma-accommodate ang dagsa ng mga pasaherong magsisi uwian sa kanilang mga lalawigan.