Iginiit ng Land Transport Franchising and Regulatory Board na wala pa silang natatanggap na direktiba mula sa department of transportation kaugnay sa pagbabalik-biyahe ng mga unconsolidated jeepney.
Ito’y matapos ang mga ulat na sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na nagbigay na siya ng direktiba upang makabyahe ulit ang mga jeep na hindi nagpa-consolidate.
Binigyan-diin ni LTFRB Spokesman Atty. Ariel Inton, na posibleng nasa ilalim pa ito ng pag-aaral nang komite.
Samantala, mariin namang tinutulan ng mga transport group na sumailalim sa PUV Modernization ang desisyon ng Kalihim.
Giit ng Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas (LTOP), hindi lamang dapat ang 14% ng mga tsuper at operator na hindi nagconsolidate ang pakikinggan ng departamento kundi maging sila ding mayorya na sumunod na programa.