Tiniyak ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga transport group na walang ipatutupad na pag-phaseout sa pampasaherong jeepney.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra ang tanging ipatutupad ang pag-modernisa sa mga jeep.
Ito ay kung saan magiging mababa aniya ang interes na maaaring bayaran ng lima hanggang pitong taon sa bangko ng mga operator ng jeep.
Matapos masiyahan sa desisyon ng LTFRB, iniurong na ng mga transport group ang ikakasa sanang tatlong araw na transport strike.
By Ralph Obina