Balak ng LTO o Land Transportation Office na baguhin ang mga tanong sa written examination sa pagkuha ng driver’s license upang mabawasan ang aksidente sa kalsada.
Ipinaliwanag ni LTO Traffic Safety Division Chief Emerita Soliven na kailangang gawing moderno ang kanilang sistema katulad sa Amerika at Canada kung saan computerized at randomly generated ang mga tanong.
Sakaling matapos ang upgrading, ibabatay na ang eksaminasyon sa classification ng bawat sasakyan na imamaneho ng aplikante upang matiyak na kwalipikado ang mga ito.
Lumalabas sa pag-aaral ng National Center for Transportation Studies ng University of the Philippines na mai-uugnay ang mahinang licensing system ng lto sa karamihan ng road accident sa bansa.
By: Meann Tanbio
SMW: RPE